NAGA CITY- All set na ang Naga City Police Office at augmentation forces ng ibat-ibang ahensya na idedeploy para sa seguridad sa isasagawang traslacion procession ngayong araw sa lungsod ng Naga
Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni Police Colonel Gilbert Fariñas – OIC City Director, Naga City Police Office, sinabi nito na ang pinaka layunin nang dagdag na pwersa ay maayos at mapayapang maidaos ang buong durasyon ng nasabing aktibidad.
Maalala, inaasahan ng LGU-Naga at Naga City Police Office ang pagdagsa ng libo-libong mga bisita at deboto ngayong araw para sa traslacion procession o ang paglipat ng imahe ni Ina Penafrancia mula sa basilica minore patungong Naga Cathedral.
Minamarkahan kasi nito ang pagsisimula ng kafiestahan sa lungsod at siyam na gabing Novena.
Kaugnay nito, tiniyak ng opisyal ang kaligtasan ng lahat na mga dadalo sa procession lalo na ang ibang mga bibisita sa lungsod.
Mananatili naman ang nasa 1,500 na augmentation troops sa lungsod para sa Traslacion procession, Bicol Military Parade at sa Fluvial Procession sa darating na September 20 na kun saan inaasahan aabot sa milyong katao ang bubuhos sa lungsod.
Dagdag pa ni Farinas mayroon na silang mga personnel na designated by sectors, mga officers in charge at pati na rin mga mobility to use ngayong Traslacion.
Samantala, may naipalabas na ring ordinansa sa mga gawaing mahigpit ma ipinagbabawal, Isa na rito ang pag iinom sa mga pampublikong lugar at pagpapalipad ng drone na hindi otoridaso.
Inaasahan rin ang pagpagpatupad ng signal jamming Lalo na sa mga areas na dadaanan Ng prusisyon gayundin inaasahan ang implementasyon nang gun ban.
Sa ngayon, paalala na lamang ng opisyal sa lahat na mga dadalo, na sumunod sa lahat ng mga regulasyon, safety protocols na ipinapatupad ng Joint Security Task group, at kung maari iwasan magdala ng mga mahahaling bagay o gamit upang maiwasan ang mga untowards incident.