NAGA CITY- Libong-libong deboto mula sa iba’t ibang lugar sa buong bansa ang bumuhos sa lungsod ng Naga kaugnay sa Traslacion Procession ngayong araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bong San Andres, Health Emergency Communicators ng Kabalikat Civicom Reginon 5, sinabi nito na kaninang pasado alas 9 ng umaga, sinumulan ang pagsasara ng mga kalsada na daraanan nang traslacion procession at ito ay mananatili mamayang gabi hanggat hindi natatapos ang aktibidad.

Sa kabila naman ng pagbuhos ng malakas na ulan ngayong araw hindi natinag ang libo-libong mga deboto mapa civic at religious group sa pagpapakita ng kanilang malalim na debosyon sa Imahe ni Our Lady of Peñafrancia at kay El Divino Rostro.

Kaninang madaling araw matagumpay na naisagawa ang dawn procession o ang paglipat ni Nuestra Señora de Peñafrancia and Feast of El Divino Rostro sa Our Lady of Peñafrancia Parish para naman sa traslacion procession na unti-unti nang nagsisimula sa mga oras na ito.

Advertisement

Ang Traslacion procession ay ang paglipat ng Imahe ni Ina Peñafrancia mula sa Basilicia Minore papunta sa Naga Metropolitan Cathedral kung saan ang andas na sinasakyan ng Imahe ni Ina ay tulak-tulak ng daan-daang mga lalaking deboto at ipinaparada sa mga mayor na lugar sa lungsod.

Ang nasabing aktibidad ay marka ng pagsisimula ng ka-fiestahan bilang pagbibigay pugay kay Nuestra Senora de Peñafrancia, Patrona ng buong Bicol Region.

Samantala, nanatili naman na mahigpit ang pagbabantay ng mga kapulisan katuwang ang ibat ibang mga augmented personnel kung saan ipinapatupad pa rin ang heigtened alert status sa kanilang hanay.

Maalala, aabot sa higit tatlong libo na mga kapulisan kasama na ang mga tauhan ng Naga City Police Office at mga augmented personnel mula sa Bicol Region ang edeneploy ngayong araw.

Kasama na dito ang AFP, Airforce, Navy Auxiliary, Coast Guard, Philippine Army, DPWH, Public Safety Office-Naga at iba pa.

Mayroon rin na naka standby na mga ambulance, at mga first aid desk ang Red cross para sa mangangailangan ng atensyong medikal.

Ilang oras bago ang pagsisimula ng procession, nagpa-alala na ang Simbahan sa mga voyadores na iwasang umakyat sa andas ni Ina at ni El Divino Rostro upang maiwasan ang anuman na aksidente at manatiling solemn ang procession.

Hindi umano ito ang panahon para sa pagpapasikat bagkus ito ay para sa pakikiisa sa selebrasyon ng Peñafrancia Fiestivities.

Samantala, wala pa namang naitatalang mga malalaking aksidente hanggang sa mga oras na ito kaugnay pa rin ng isinasagawang traslacion procession.

Sa ngayon, inaasahan naman ng LGU-Naga na magiging matagumpay ang aktibidad ngayong araw.

Advertisement