NAGA CITY- Naging Generally peaceful ang isinagawang traslacion procession sa lungsod ng Naga kahapon, Setyembre 12, kaugnay pa rin sa selebrasyon ng Peñafrancia Fiesta.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCol. Chester Pomar, Spokesperson ng Naga City Police Office, sinabi nito na batay sa kanilang naging initial na assessment sa wala umano silang naitala na mga mayor na insidente bukod sa nangyaring shoplifting na agad ring nadakip ang suspek nito.

Dagdag pa nito umabot sa 800,000 ang naging crowd estimate bandang ala-7 ng gabi kahapon.

Matatandaan, bago pa man isagawa ang nasabing aktibidad ay nakapagtalaga na ang kanilang hanay sa kaniya-kaniya nitong mga deployment kung saan binubuo ito ng nasa mahigit 2000 na mga kapulisan, 142 naman na mga personnels galing sa ibang ahensiya, at 628 galing sa force multipliers.

Advertisement

Samantala, hindi naman mahulogan ng karayom ang naging sitwasyon sa lungsod sa dami ng nakiisang deboto simula ng umalis ang andas ni El Divino Rostro sa oras na alas tres y trenta ng hapon at andas ni Inang Peñafrancia sa oras naman ng alas kwatro diez sa Our Lady of Peñafrancia Shrine papuntang The Naga Metropolitan Cathedral.

Sa naging facebook post naman ni Naga City Mayor Leni Robredo sinabi nito na binisita ni dating DILG Secretary Benhur Abalos ang kaniyang opisina kasama ang kaniyang asawa na si Menchie Abalos ng Mandaluyong City, kung saan isa rin ang mga ito sa dumalo sa nasabing procession.

Habang kasama rin sa bumisita sa lungsod si Baguio City Councilor Vladimir Cayabas kasama ni Naga City Coucilor Jude Diokno.

Sa ngayon, hangad na lamang ng opisyal ang kapayaan at kaayusan sa mga susunod pang aktibidad sa lungsod dahil hindi pa umano sa traslacion natatapos ang pagdiriwang ng Peñafrancia Fiesta.

Advertisement