NAGA CITY- Ideneploy ang nasa higit 120 na kapulisan para sa huling araw ng Bar Examination, ngayong araw sa Naga City
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSG. Robert Aguillon, Assistant Public Information Officer ng Naga City Police Office sinabi nito na inasahan na rin nila ang 600 na bar examinees na maagang pumunta sa examination center sa University of Nueva Caceres sa nasabing lungsod.
Dagdag pa nito, maaga palang nakalatag na ang kanilang deployment sa nasabing lugar dahil inasahan na nila na maraming pupuntang mga supporters at kapamilya ng mga examinees.
Ayon pa kay Aguillon, noong unang 2 araw ng nasabing eksaminasyon, nagkaroon lamang sila 88 deployed personnel, kumpara ngayong araw na nagkaroon sila nang humigit-kumulang 120 personnels galing sa kanilang hanay.
Layunin ng nasabing deployment ay upang magkaroon ng crowd control dahil hindi rin umano naiiwasan na magkaroon ng kantyawan o hahit anong ingay na pwedeng makaapekto sa mga kumukuha ng pagsusulit.
Binigyang-diin pa ng opisyal na hindi lamang mga taga-lungsod ng Naga ang pumunta sa lugar, maging galing sa iba’t-ibang paaralan na sasalubong sa mga bar examinees, kaya naman naandiyan ang kanilang hanay upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa examination center.
Gayundin, kaninang alas 2 ng umaga pa lamang ay nagkaroon na sila ng briefing at deployment sa partikular na lugar sa paligid ng University of Nueva Caceres.
Samantala, mayroon pa ring isinarang areas sa paligid nang examination center upang maiwasan na maabala at masiguro ang kaligtasan ng mga bar examinees.
Sa ngayon paalala na lamang ni Aguillon sa publiko na makipag-cooperate at habaan ang pasensiya kasabay sa naturang eksaminasyon.