NAGA CITY- Labis ang pagdadalamhati ng pamilyang naiwan ng biktimang nasawi matapos ang pananalasa ng buhawi sa Brgy. Magang, Daet, Camarines Norte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay FSINSP JESUS O. PALMES III – Municipal Fire Marshal, BFP-Daet, Camarines Norte, sinabi nito na dahil sa malakas na pag ulan at malakas na bugso rin ng hangin dala ng naturang buhawi, naging dahilan ito sa pagkatumba ng malaking puno ng mahogany at madaganan ang nasabing mga biktima.
Sa naging imbestigasyon ng mga otoridad, wala ng buhay ang naturang mga biktima nang madatnan ng tauhan galing Special Rescue Force at Daet Fire station.
Matapos ma-assist ang pinagnyarihan ng insidente at pag-secure na ligtas na sa mga responders Ang area saka na naisagawa ang retrieval operation para sa mga biktima sa pamamagitan ng pag putol sa punong kahoy.
Samantala, labis naman ang pinsalang iniwan ng nasabing buhawi, hindi lamang maraming kahoy na nagtumbahan, pati na rin ang mga lumaylay na mga linya ng kuryente sa lugar.
Sa ngayon, paalala na lamang ng opisyal sa mga residente na sa mga di inaasahang sitwasyon iiwasan umano ang pag lapit sa mga malalaking kahoy, mas mainam aniya na manatili na lamang sa loob ng mga bahay upang masigurong ligtas ang mga sarili at mahal sa buhay.