NAGA CITY- Patuloy na minomitor ang lebel ng tubig sa Bicol River kasabay sa binabantayang si Bagyong Ramil.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Allen Orogo, Hydrologist, Bicol River Basin, sinabi nito kahit hindi nila inaasahan ang malawakang pagbaha dahil moderate to heavy rain lamang ang dala ng nasabing bagyo patuloy pa ring naka-alerto ang kanilang opisina sa mga pagbabago sa track ng bagyo.
Kaugnay nito, ang mga ilog na sakop ng Bicol River Basin ay nasa mababang lebel dahil panaka-nakang pag-ulan lamang ang nararanasan sa mga nakalipas na oras.
Dagdag pa ni Oroso, kahit hindi kalakasan na pag-ulan ang nararanasan mararamdaman pa rin ang epekto ng bagyo hanggang bukas kung kaya patuloy pa rin na pinapag-inagt ang lahat sa banta nito lalo na sa Northern portion ng Camarines Sur.
Inaabisuhan na rin ang mga residente na magmonitor sa lagay ng panahon at lumikas kung kinakailangan.
Samantala, nakataas naman ang blue alert status sa lungsod ng Naga dahil pa rin sa Bagyong Ramil.
Ibig sabihin nito, kahit hindi inaasahan ang deriktang pagtama ng Bagyo sa lungsod nakahanda pa rin ito upang tumugon sa anuman na pagbabago ng sitwasyon.
Patuloy ang kanilang pag-monitor sa mga flood prone area sa Naga City, inihanda ang mga evacuation center ngunit hindi activated dahil hindi pa ito kailangan sa ngayon.
Naka-standby lamang ang lahat ng kaukulang opisina upang makapagresponde kung kinakailangan.
Sa ngayon, patuloy na nakataas ang alerto sa buong lalawigan ng Camarines Sur upang maiwasan na magkaroon ng untowards incident kaugnay sa binabantayang sama ng panahon