DEVELOPING STORY- Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naganap na insidente na kinasangkutan ng isang pampasaherong bus sa Del Gallego, Camarines Sur.

Batay sa paunang imbestigasyon, ito ay hinihinalang self-accident na naganap dakong alas-3:25 ng madaling araw nito lamang Disyembre 26, 2025 sa kahabaan ng Rolando Andaya Highway, Brgy. Magais-I, Del Gallego, Camarines Sur.

Minamaneho ang nasbaing bus ni alyas Jay nasa hustong gulang, lalaki, may asawa, at residente ng Cabuyao, Laguna. Ang driver ay nagtamo ng seryosong pisikal na pinsala.

Ayon sa imbestigasyon, ang bus ay bumibiyahe patimog mula Cubao, Quezon City patungong Gubat, Sorsogon nang umano’y makatulog ang driver, dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Advertisement

Dahil dito, ang bus ay nahulog sa kanang bahagi ng kalsada at bumulusok sa tinatayang 10 metrong lalim ng bangin.

Dahil rin sa insidente, binawian ng buhay ang apat nang indibidwal at sugatan man ang mahigit 20 katao kung saan ang mga ito ay kaagad na isinugod sa pinakamalapit na ospital para sa agarang lunas.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng pulisya at nagsagawa ng rescue at imbestigasyon katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP), MDRRMO ng Del Gallego, at Tagkawayan Rescue and Traffic Management.

Ang insidente ay iniuugnay sa reckless driving habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Advertisement