NAGA CITY- Malaki ang pasasalamat nang mga residente sa Barangay Cabasag Del Gallego Camarines Sur sa gagawing inspeksyon ni DPWH Secretary Vinze Dizon sa mga kalsada sa kanilang lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Franco Mirabel, Barangay Kagawad ng Cabasag Del Gallego, CamSur, sinabi nito na sa tagal nang panahon napansin din ang matagal nang problema sa kanilang lugar ang lubak-lubak na kalsada.
Ayon kay Mirabel, tinatapalan lang ang malalaking lubak sa daan ngunit pagdating nang ilang linggo ito’y babalik sa dati at maghahatid ulit nang perwisyo sa mga biyahero at sa mga daraanan sa lugar.
Wala umanong konktretong solusyon kung kaya pabalik-balik lamang ang problema.
Kaugnay nito, inaasahan nang opisyal na sa pamamagitan nang gagawing inspeskyon ni Sec. Dizon, magkakaroon na nang solusyon an matagal nang dinaraing ng mga biyahero at residente sa lugar.
Ngayong araw, sinimulan ang inspeksyon sa mga kalsada mula Quezon hanggang Bicol upang para makita ang aktuwal na kalagayan ng Maharlika Highway sa rehiyon, lalo na sa bahagi ng Andaya Highway.
Sa ngayon, hagad na lamang ni MIRABEL na magpatuloy ang ganitong mga inspeksyon upang maisaayos ang pagkumpuni sa mga struktura sa bansa.












