NAGA CITY- Nakahanda na ang mga evacution centers sa lungsod ng Naga enkaso kailanganin lumikas nang mga residente dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Raynor Rodriguez, head ng City Disaster Risk Reduction and Management Office Naga, sinabi nito nakahandang i-accomodate ng lokal na pamahalaan ang mga residente sa Naga na mapipilitang lumikas dahil sa pag-apaw ng tubig.

Ayon pa kay Rodriguez, naitala na ang pagbaha sa mga mabababang lugar gaya na lamang sa Barangay Triangulo, Panganiban at iba pa.

Ngunit tiniyak naman nang opisyal na hindi peligroso ang sitwasyon sa mga nabanggit na area at nakatutok naman dito ang kanilang hanay.

Advertisement

Maliban sa mga evacuation centers, pinapakiusapan rin ang mga residente na second floor ang bahay na patuluyin ang ilang mga nagsilikas upang maiwasan ang kumpulan sa mga evacuation centers.

Ang naturang mga bahay ay magsisilbing temporary shelter at puntahan nang mga pamilya sa panahon ng Bagyo.

Binigyan diin ni Rodriguez na isa ito sa hakbang nang LGU-Naga upang maging ligtas ang lahat sa panahon nang kalamidad at maiwasan rin ang mga sakit na maaring kumalat.

Samantala, naka standy din ang mga sasakyan at handang magbigay ng asistensiya sa mga ma-stranded o kaya sa mga kailanganing lumikas

Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon nang City Disaster Risk Reduction and Management Office Naga sa mga punong barangay sa Naga City upang maging updated sa mga latest na kaganapan.

Advertisement