Ipinahayag ng Gabriela Women’s Party ang galit nito laban kay Atty. Ferdinand Topacio matapos nitong ilabas ang misogynistic na pahayag tungkol kay Gabriela party-list Rep. Sarah Elago, at sinabing maaaring magsampa ng legal na aksyon laban sa kanya.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, tinukoy ng Gabriela Women’s Party bilang “manyak” si Atty. Topacio matapos niyang aminin sa isang radio show na nagnanasya siya noon kay Rep. Sarah Elago, habang ipinagtatanggol ang lewd na komento ng Quezon City Rep. Jesus “Bong” Suntay tungkol sa aktres na si Anne Curtis sa konteksto ng impeachment hearing laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ng Gabriela na ang pahayag ni Topacio ay “misogynistic” at bahagi ng matagal na pattern ng red-tagging at pambabastos sa kababaihan. Anila, hindi dapat payagang magpatuloy sa propesyon ang isang abogado na ginagamit lamang ito upang siraan ang kababaihan na lumalaban sa pang-aabuso at korapsyon.

“Pinag-aaralan namin ang mga posibleng ligal na hakbang upang mapanagot si Topacio. Hindi ito katanggap-tanggap, at lalong hindi dapat pinapalampas,” sabi ng Gabriela.

Advertisement

Aminado si Topacio sa radio show na natural umano sa lalaki ang sexual desires at sinabi na hindi siya nag-aalala kung may magagalit sa kanyang sinabi. Samantala, humingi na ng paumanhin si Suntay sa kanyang unang pahayag at inamin na maaari siyang gumamit ng mas maayos na halimbawa upang ipaliwanag ang kanyang punto.

Patuloy na pinananawagan ng Gabriela ang accountability para sa mga ganitong uri ng komento laban sa kababaihan sa pulitika.

Advertisement