Lalong nanganganib ang tsansa ng Golden State Warriors sa Play-In Tournament matapos silang matalo ng Detroit Pistons, na nagbaba sa kanilang rekord sa 33-37 sa kasalukuyang NBA season.
Tinalo ng Detroit Pistons ang Golden State Warriors sa iskor na 115-101, kahit wala ang kanilang star player na si Cade Cunningham.
Hindi nakasabay ang Warriors sa malakas na opensa ng Pistons, at nahirapan din sa depensa sa kabila ng presensya ni Draymond Green. Sa loob ng 22 minutong paglalaro, dalawang beses lamang siyang nagtangka sa field goal ngunit parehong hindi pumasok, at nagtala lang ng 5 rebounds, 6 assists, isang steal, at isang block.
Samantala, pinangunahan naman ng batang sentro na si Jalen Duren ang panalo ng Detroit matapos umiskor ng 23 puntos mula sa walong field goals at pitong free throws.
Dahil sa pagkatalo, nananatili ang Warriors sa ika-sampung puwesto sa Western Conference—ang huling slot para sa Play-In Tournament—habang papalapit ang NBA playoffs sa huling bahagi ng Abril.












