Umabot sa 104 indibidwal ang inaresto ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) nitong Abril kaugnay ng iba’t ibang paglabag sa batas sa online space, batay sa mga entrapment operation at pagsisilbi ng warrant.

Ayon sa PNP, naisagawa ang mga pag-aresto sa pamamagitan ng entrapment operations at pagpapatupad ng mga warrant laban sa mga suspek na sangkot sa cybercrime.

Bukod dito, nakapagsampa rin ang ACG ng 209 cybercrime cases, nakapagpatupad ng 108 cyber warrants, at nakapagsagawa ng 2,196 cyber patrol activities. Nasa 77 digital forensic examinations din ang isinagawa ng yunit.

Bunga ng mga operasyon, 19 na biktima ang nasagip habang siyam na salarin ang nahatulan ng korte.

Advertisement

Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., mahalaga ang patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng pulisya laban sa lumalawak na cyber threats.

“Sa panahon ngayon na halos lahat ay konektado na online… hindi tayo titigil sa paghabol sa mga lumalabag sa batas,” aniya.

Dagdag pa niya, patuloy na palalakasin ng PNP ang cyber capabilities nito, pakikipag-ugnayan sa mga ahensya, at mga proactive operations upang tugunan ang mga umuusbong na banta sa digital space at maprotektahan ang publiko laban sa cybercrime.

Advertisement