screengrab: Marx Barquilla

Ipinatupad ng Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang pagbabawal sa pag-angkat ng live animals at ilang animal products mula sa Greece matapos makumpirma ang mga kaso ng foot-and-mouth disease (FMD) sa mga alagang tupa sa Lesvos.

Sa ilalim ng Department Circular 20, sinuspinde rin ng DA ang paglalabas ng sanitary at phytosanitary import clearances para sa mga apektadong produkto at iniutos ang mas mahigpit na inspeksyon sa lahat ng pantalan sa bansa upang maiwasan ang posibleng pagpasok ng sakit.

Saklaw ng import ban ang skeletal muscle meat, live swine, bovines, at untreated milk. Gayunman, pinapayagan pa rin ang ilang processed goods na itinuturing na “safe commodities” batay sa international standards, basta’t sumusunod sa mahigpit na kondisyon.

Pinapayagan din ang mga shipment na naipadala bago magkabisa ang circular kung ang mga ito ay na-produce o nakatay bago ang Pebrero 28 at sumusunod sa umiiral na guidelines. Ang mga hindi susunod sa patakaran ay kukumpiskahin o sasailalim sa kaukulang aksyon alinsunod sa batas.

Advertisement

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layunin ng hakbang na maprotektahan ang bansa mula sa posibleng epekto ng foot-and-mouth disease. “This circular is a critical and proactive step to shield our country from the potentially devastating effects of foot-and-mouth disease,” aniya.

Advertisement