Hinimok ni Acting Senate President at Senate President Pro Tempore Win Gatchalian ang pamahalaan na agad gamitin ang humigit-kumulang ₱180 bilyong available na pondo sa ilalim ng 2026 national budget upang pondohan ang rehabilitasyon at magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
Binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangang agarang mailabas ang natitirang ₱17.898 bilyon mula sa Biktima ng Lindol sa Mindanao na pangunahing pinagkukunan ng pondo para sa disaster response, relief operations, rehabilitation, reconstruction, at recovery efforts.
Bahagi rin ng ₱180 bilyong pondo ang mahigit ₱32 bilyon sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF)–Financial Assistance to Local Government Units, halos ₱16 bilyong Contingent Fund, at higit ₱8 bilyong Quick Response Fund ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Kabilang din sa mga pondong maaaring gamitin ang mga nakalaan para sa social services upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga apektadong komunidad.
Samantala, hinihintay pa ng Senado ang pinal na assessment ng executive branch hinggil sa lawak ng pinsalang dulot ng lindol sa Mindanao upang matukoy kung kinakailangan pang magpatawag ng special session para sa pagpasa ng supplemental budget na gagamitin sa rehabilitasyon at rekonstruksyon ng mga naapektuhang lugar.










