Tinatayang P524.27 milyong halaga ng mga produktong agrikultural at iba pang kalakal ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Valenzuela City dahil sa umano’y iregularidad sa mga dokumento ng pag-aangkat.

Kabilang sa mga nadiskubre ang mahigit 99,000 sako ng pulang sibuyas, 20,000 sako ng beans at legumes, at 18,000 kahon ng luya at carrots. Natagpuan din ang iba pang produkto gaya ng peanut products at packaging materials.

Ayon sa BOC, hindi nagtutugma ang aktuwal na imbentaryo at mga dokumentong isinumite ng warehouse. Wala ring sapat na papeles na magpapatunay sa legal na pag-aangkat, pagbabayad ng buwis, at pagkakaroon ng mga kinakailangang permit.

Katuwang ng BOC sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation, Department of Agriculture, at Philippine Coast Guard. Sinusuri rin ang posibleng paglabag sa Republic Act No. 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2024.Bumili ng Globo

Advertisement

Ayon kay BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, patuloy ang operasyon laban sa ilegal na pag-aangkat upang maprotektahan ang lokal na industriya at kabuhayan ng mga magsasaka.

Nananatili sa kustodiya ng Customs ang mga produkto habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Advertisement