Posibleng maitala ng Pilipinas ang pinakamataas na antas ng pag-aangkat ng bigas matapos umabot sa 4.49 milyong metriko tonelada ang rice imports ng bansa.

Batay sa datos ng Bureau of Plant Industry (BPI), mas mataas na ito kumpara sa 4.48 milyong metriko toneladang naangkat noong 2024, sa gitna ng epekto ng El Niño.

Mula Enero hanggang Oktubre, nalampasan na rin ng rice imports ngayong taon ang kabuuang 3.39 milyong metriko toneladang naitala sa buong nakaraang taon.

Pinakamalaking pinagkukunan ng inaangkat na bigas ang Vietnam na may 2.79 milyong metriko tonelada. Sinusundan naman ito ng Thailand at Myanmar.

Advertisement

Matatandaang pinalawig ng pamahalaan ang pag-aangkat ng bigas bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), inaasahang aabot sa limang milyong metriko tonelada ang kabuuang rice imports ng bansa.

Advertisement