NAGA CITY- Sa kulungan ang bagsak ng halos nasa 20 katao matapos maaktohang nagsasagawa ng illegal na “Tupada” sa Atimonan, Quezon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office(QPPO), napag-alaman na una nng nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad hinggil sa nasabing isinasagawang illegal na Tupada sa nasabing lugar.
Base sa imbestigasyon kinilala ang mga naaresto na sina Joselito Velasco, Edwin Albano, Mario Palmero, Ernesto Galarosa, Larry Formento, Alvin Quezada, Raymond Cañada, at Sonny Formento, pawang residentes ng Brgy. Sapaan sa nasabing lugar.
Habang nakatakas naman ang nasa 11 mga suspek na kinilalang sina Panchito Fuensalida, Edgardo Cañada; Gerardo Villamena, Angelito Fuensalida, Charlie Gutierrez, Eladio Pizzaro, Rodolfo Amador, William Glory, Donald Palmero, Eduardo Morales, at Ricky Formento.
Nabatid na agad umanong nakatakas ang nasabing indibidwal matapos na unang mamataan ang presensya ng mga otoridad.
Narecover naman dito ang apat na pangsabong na manok, at isang patay na manok, isang gaff at ang bet money na nagkakahalaga ng P3,900 pesos.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing mga suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.