NAG CITY- Tinatayang mahigit sa P3.4 milyon ng pinaniniwalaang shabu ang narecover ng mga otoridad sa isinagawang buy bust operastion na nauwi rin sa armed confrontation sa Barangay San Agustin, Pili, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt Fatima Lanuza, tagapagsalita ng Pili Municipal Police Station (MPS) sinabi nito na una nang nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad sa suspek na kinilalang si Ronitz Ybanez, 43-anyos residente ng Tondo, Manila at kasalukuyang nakatira sa lungsod ng Iriga.
Ayon kay Lanuza, aabot sa 500grams ng pinaniniwalaang shabu ang narekober ng mga otoridad sa nasabing suspek na tinuturing rin na isa sa mga high valued individual.
Ngunit matapos ito ay saka na umano napansin ng suspek na mga pulis ang kanyang katransaksyon kung kaya agad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga otoridad.
Agad namang gumanti ang mga otoridad resulta upang mag tamo ito ng tama sa kanyang katawan na naging rason ng kanyang agarang pagkamatay.
Kaugnyan nito, ayon kay Lanuza, narecover rito ang isang caliber .38 SPL Armscor revolver, mga bala ng baril, ilan pang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernallia.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.