NAGA CITY- Tinatayang aabot sa kalahating milyon ang illegal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad matapos ang isinagawang magkahiwalay na buy bust operation sa Lucena City.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na una ng isinagawa ang buy bust operation sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City, kung saan naaresto dito ang dalawang suspek na kinilalang sina Giovanni Dañez Del Rosario 43-anyos at Hazel Kris Villacarlos Lacson, 35-anyos.
Base sa imbestigasyon, nakumpiska rito ang hindi bababa sa 12 pidasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 12.35 grams at street value na ₱251,940.
Samantala tinatayang aabot rin sa 10.9 grams ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng mga otoridad sa suspek na kinilala namang si Carmelo Valeña Licas, 36-anyos residente ng Barangay Kanlurang Mayao, Lucena City.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing mga suspek para sa karampatang disposisyon.