NAGA CITY- Responsiblidad umano ng gobyerno na gawing affordable at accessible ang presyo ng bilihin lalo naman ang bigas.
Ito ang sinabi ni Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas at Sec. General ng AMIHAN kasunod ng naging
pahayag noon ni Presumptive President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na gagawin niyang P20 an presyo ng bigas.
Sa oras na bumaba ang presyo ng bigas, makakakain na ang malaking bilang ng mga Pilipino na labis na nahihirapan dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng mga bilihin.
Ayon pa kay Estavillo, mabilis na pagtaas naman sa inflation rate ang manifestation ng labis na pagtaas sa iba’t ibang presyo ng mga pagkain.
Subalit sa ibang banda, sinabi naman ni Estavillo na kung ito ang ipapatupad ni Marcos ay kailangan muna nitong pondohan ng malaki ang industriya ng agrikultura sa pamamagitan ng pag-subsidize sa presyo ng bigas sa merkado upang ma-regulate naman ang presyo ng mga commercial rice.
Sa ngayon, umaasa na lamang ni Estavillo na huwag sanang manatiling pangako ang naturang isyu gaya sa ginawa ng kasalukuyang administrasyon na ginawa lang laruan ang iba’t ibang isyu ng bansa sa panahon ng pangangampanya nito.