NAGA CITY – Bumaba ang bilang ng mga aksidente sa kalsada na naitala sa Naga City nitong mga nakaraang araw.

Ayon kay Glenn Mancera, Chief of Operations Division ng LTO-Region V, ang posibleng dahilan nito ay dahil sa one time big time operations na isinasagawa ng mga awtoridad.

Kung nakikita kaya umano ng mga driver na laging may enforcement activities, dumarami ang nag-a-apply ng lisensya at parami nang parami ang nagpaparehistro para hindi mahuli.

Sa ganitong paraan, nagiging mas maingat din sila sa pagpapatakbo ng kanilang mga sasakyan.

Samantala, ang pinakakaraniwang sanhi ng mga aksidente ay ang mabilis na pagmamaneho at pagmamaneho sa ilalim ng impluwensya ng alak.

Dumadami rin ang malalapad at tuwid na kalsada na nagiging dahilan upang mas maging kumpyansado ang mga driver kaya naman bumibilis ang kanilang pagpapatakbo.

Ipinagmalaki rin ng opisyal na ang LTO-Naga ang no. 1 opisina sa buong Bicol Region in terms of performance and revenue. Kung saan, nalampasan din nito ang kanilang kita noong nakaraang taon.

Idinagdag ni Mancera na ang mga bayan ng Pamplona, ​​​​San Fernando at Milaor ang nangunguna sa mga lugar sa Camarines Sur na nagrerehistro ng maraming aksidente sa kalsada na maaaring dahil sa kakulangan ng mga signage.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na sila sa mga LGU at iba pang ahensya para tumugon sa nasabing problema.