Pumanaw na ang aktres na si Jorrybell Agoto sa edad na 31.

Kinumpirma ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pagpanaw ng aktres nitong Huwebes, Nobyembre 19. Nakilala si Agoto sa pelikulang “Filipiñana.”

Sa pahayag ng FDCP, binigyang-pugay nila ang aktres at sinabing mananatiling buhay sa kanilang mga puso ang kaniyang mga naiambag at iniwang alaala sa industriya ng pelikula.

Noong Setyembre, ibinahagi ng mga kaibigan at kaanak ni Agoto na na-confine siya sa Critical Care Unit matapos ma-diagnose ng lymphoma.

Advertisement

Humingi rin noon ng tulong pinansiyal ang kaniyang pamilya upang matugunan ang lumalaking gastusin sa pagpapagamot.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na detalye ang pamilya tungkol sa burol at iba pang funeral arrangements ng aktres.

Advertisement