Photo © web

Tuluyan nang bumaba ang world ranking ng Filipina tennis player na si Alex Eala matapos ang kaniyang Round of 16 exit sa Miami Open 2026.

Nabigo ang Pinay star na abutin o higitan pa ang kanilang Semifinals appearance noong 2025 sa naturang turneyo, kaya’t tuluyan nang natanggal o na-expire na dating naidagdag sa kaniyang ranking.

Hanggang 270 points ang nawala sa kaniya, dahil dito.

Batay sa official singles ranking na inilabas ng Women’s Tennis Association (WTA) ngayong Lunes, Marso 30, hawak na ni Eala ang rank No. 45.

Advertisement

Mas mababa ito ng 16 na ranggo mula sa career-high No. 29 na dati niyang hawak sa kaniyang pagsabak sa 2026 Miami Open, dalawang lingo na ang nakakalipas.

Ito ang itinuturing na pinakamalaking pagbaba o pagbagsak sa rankings na inilabas ng WTA para sa linggong ito.

Muli namang sasabak sa ilan pang turneyo ang Pinay star para sa tinaguriang Clay Season simula Abril, kung saan nakahanay ang ilang kumpetisyon tulad ng Linz Open, Stuttgart Open, at Madrid Open.

Ang magandang panalo sa mga naturang turneyo na pawang sanctioned ng WTA, ay inaasahang magpapa-angat sa kaniyang world ranking.

Advertisement