NAGA CITY – Nagpostibo sa COVID-19 ang alkalde ng Goa, Camarines Sur.

Sa inilabas na opisyal na pahayag ni Mayor Marcel Pan, kinumpirma nito ang pagpopositibo sa naturang sakit.

Ayon kay Pan, una itong nagpasailalim sa RT-PCR Test sa Bicol Medical Center bilang paghahanda sana sa pagpasailalim sa PET-Scam nito.

Ito’y para malaman ang kalagayan ng mga cancer cells sa loob ng kaniyang katawan.

Ngunit kahapon ng lumabas ang positibong resulta ng naturang test ngunit batay sa resulta, nasa road to recovery na at non-infectious na ang kaniyang sakit.

Nabatid na sumailalim din ito sa 14-days quarantine ng nakaranas ito ng sintomas ng COVID-19 at dalawang beses namang isinailalim sa antigen test kung saan kapwa negatibo ang resulta.
Ngunit pinagbuti ng alkalde na sumailalim pa rin sa dagdag pang dalawang linggong quarantine.

Sa ngayon, nakiusap man an alkalde sa mga naging close contact kaini kan nakalihis na duwang semana na makipagkoordinar na sana sa 24/7 team kan banwaan para matawan nin magkakanigong atensiyon medikal.