NAGA CITY- Kinumpirma ni Pili, Mayor Tom Bongalonta na mayroon talagang naitalang kaso ng meninggoccemia sa Barangay Caroyroyan sa naturang bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Tom Bongalonta, sinabi nito na ito ay naitala noong petsa 5 ng naturang buwan kung saan nang itinakbo sa ospital ang bata, doon na nakumpirma ang sakit.

Ayon kay Bongalonta, matapos mamatay ang bata, agad itong inilibing habang agad namang binigyan ng antibiotic ang pamilya at mga nakahalubilo ng bata.

Kaugnay nito, pinag-iingat ang mga residente kung saan hindi lamang ang COVID-19 ang kailangan na tutukan ngunit gayundin ang naturang sakit.