NAGA CITY- Hindi kumbinsido sa pagiging drug cleared ng isang lugar o barangay ang alkalde ng San Fernando, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Fermin Mabulo, sinabi nito na may posibilidad kasi aniya na ideklara na drug cleared ang isang lugar sa papel ngunit mayroon pa ring mga naitatalang krimen na may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon kay Mabulo, maniniwala lamang ito na drug cleared na ang isang lugar kung wala ng naitatalang gumagamit ng driga sa isang lugar.
Ngunit magandang hakbang naman aniya ang paghingi ng mga dokumento ng mga kapulisan hinggil sa pagdedeklara na drug free na ang isang lugar ngunit dapat pa rin umanong tingnan ang reyalidad.
Sa ngayon, tiniyak naman ng alkalde na tutulong ang lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang bayan.