NAGA CITY- Hindi nag-alinlingan na magpaturok ng COVID-19 vaccine sa kaniyang puwet ang alkalde sa bayan ng Milaor, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Anthony Lahbas Reyes, sinabi nito na walang masama sa desisyon nitong magpaturok sa nasabing parte ng katawan.

Aniya, mismong ang doktor na nasa vaccination site ang nag-utos na sa puwet na lamang ito turukan dahil sa tattoo nito sa braso.

Nabigla umano ang alkalde sa una ngunit itinuloy pa rin nito ang pagpapaturok.

Advertisement

Dagdag pa ng alkalde na gusto lamang nitong tumaas ang kumpiyansa ng mga tao sa bakuna.

Kaugnay nito, nabatid na AstraZeneca ang dumating na bakuna sa nasabing bayan na siya namang tinurok sa mismong alkalde.

Sa ngayon, samo’t sari naman ang naging reaksiyon ng mga residente sa naturang bayan dahil dito.

Samantala, wala naman aniyang naramdaman na kahit anong side effect ang naturang alkalde matapos maturukan ng nasabing bakuna.

Advertisement