NAGA CITY- Plano umano ngayon na magsampa ng kaso ng alkalde sa Goa, Camarines Sur laban sa Provincial Sagip-Kalikasan Task force matapos pagbintangan sa nangyaring sunog sa sub-barracks ng nasabing ahensya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Goa Mayor Marcel Pan, sinabi nito na matapos umano ang nangyaring sunog ay nireport ng Bureau of Fire Protection- Goa na posibleng inside job lamang ang nasabing insidente.
Ayon kay Pan, matapos umano kasi ang insidente ay ilang mga nagpakilalang empleyado ng Sagip-Kalikasan Task force ang kahina-hinalang nagtunggo sa mayors office upang humingi ng report ngunit ng ito’y hanapan ng ID ay umalis na lamang ang mga ito.
Maliban dito, pinagbintangan rin umano ang nasabing alkalde na binantaan ang mga empleyado ng ahensya na ipapamassacre.
Kung saan mariin naman itong itinanggi ni Pan at handa umano itong idaan sa legal na paraan ang nasabing mga akosasyon.
Binigyang-diin naman ni Pan na imposible umanong ibang tao ang gumawa ng nasabing sunog dahil kung mapapansin ay lagi umanong may bantay sa nasabing oitpost ngunit ng mangyare ang sunog ay wala itong bantay dahil umalis umano ang mga tao dito.
Kung maalala noong nakaraang araw ay naitala ang nangyaring sunog sa isang sub-barracks ng Provincial Sagip-Kalikasan Task force sa Zone 2 Brgy Tagongtong, Goa, Camarines Sur.
Sa ngayon, tinitingnan umano na posibleng away sa politika ang naging ugat at motibo ng nasabing insidente.