Naga City- Nanawagan ang alkalde sa lungsod ng Naga sa mga barangay officials na isantabi ang pulitika at iprayoridad ang kaligtasan ng mga biktimang nasalanta ng bagyo
Sa isang public post ni Mayor Son Legacion, Naga City, sinaysay nito na magtulungan aniya ang lahat at huwag na munang pag-tuonan ng pansin ang pulitika
Mas makakabuti aniya na ibigay sa pinakamabilis na paraan ang mga ayuda o anumang tulong sa mga Kabarangay lalo na at dumating na ang daan-daang family food packs na galing pa ng ibang lungsod, sa DWSD pati na rin sa ilang mga nag-donate.
Dagdag pa ng alkalde, huwag pabagalin ang mga kilos dahil lang mayroong sinusuportahan na kandidato
Lahat na binaha, dapat aniyang ilista at abutan ng tulong mapa-residente man o boarders ay dapat na makakain
Hindi nararapat na gamitin ang panahon ng kalamidad na gumawa ng scenario na magalit ang mga tao
Sinaysay pa ni Legacion na pairalin ang puso sa lahat ng tao, hindi ang puso sa kandidato at laging piliin na maging mabuti
Matatandaang apat na araw na ang nakakaraan matapos manalasa ang bagyong Kristine at hanggang ngayon ay hindi pa gaanong nakakabangon ang naturang lungsod at nananatiling lubog pa ‘rin sa baha ang ilang mga lugar nito.
Samantala patuloy ‘rin ang pag-abot at pamahagi ng mga tulong galing sa iba’t ibang ahensya