NAGA CITY- Mahigpit na pinapabantayan ng Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) – Bicol at ng Bicol Inter-Agency Task Force (BIATF) ang pagkalat ng variant variant of concern na Alpha at Beta sa Bicol Region.
Ito’y kasunod ng kumpirmasyon ng ahensiya hinggil sa pagkakatala ng 11 kaso ng Alpha variant habang 22 naman na kaso ng Beta variant sa rehiyon.
Sa inilabas na opisyal na pahayag ng ahensiya, nakapaloob dito na kahit na itinuturing nang recovered ang naturang mga pasyente, posible na pa rin na naakahawa ang mga ito sa mga panahon na infected pa ng virus.
Kaugnay nito, pinapahigpitan naman ng ahensiya ang pagsasagawa ng mga Local Government Units ng contact tracing, istriktong pagpapatupad ng quarantine ng mga contacts o isolation sa mga symptomatics hanggang sa Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration (PDITR) strategies laban sa COVID-19.
Dapat din umanong pagtuunana ng pansin ang pagkokolekta ng mga specimens para sa RT-PCR testing na dapat gawin lima hanggang pitong araw matapos ang huling araw ng exposure.
Dagdag pa dito, binigyang-diin naman ng ahensiya an pagpapaigting pa ng COVID-19 vaccination rollout sa rehiyon batay sa prioritization batay sa National Vaccine Operation Center (NVOC).
Samantala, pinapayuhan naman ng DOH ang publiko na patuloy na sumunod sa karampatang minimum health standards para patuloy na makaiwas sa virus lalo na sa naglilipanang mga variants of concern sa buong Pilipinas.