Isinagawa ang alternative waste utilization technologies training ng Municipal Environment and Natural Resources ng Lagonoy sa kanilang bayan sa pakikipagtulungan na rin ng kanilang Municipal Agriculture Office.
Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay Victor Francia, Municipal Agriculturist Officer ng Lagonoy, Camarines Sur, sinabi nito na layunin nito ay upang malamang kung paano mapapakinabangan ang mga biodegradable resources ng isang lugar kung saan, kesa itapon pwede pa itong i-convert upang magin organic fertilizer.
Sa ganito aniyang paraan, matuturoan rin ang mga residentes na i-segregate ang mga biodegradable resources o mga basura upang mapakinabangan at magawang fertilizer.
Ito ay upang ang itatapon lamang ng mga ito ay ang mga basura na hindi na kapaki-pakinabang kagaya na lamang ng plastics.
Dagdag pa ni Francia, malaki rin ang maitutulong dito ng barangay dahil sila umano ang mas unang makakakita at makakapagpaalala sa kanilang mga nasasakupang lugar.
Binigyan-diin rin ng opisyal na hindi pwedeng mag-tapon ng basura sa mga ilog lalo na at pwede itong makasira sa ating kapaligiran.
Sa nasabi naman na training ay naturuan ang mga ito na gumawa ng organic fertilizer na pwede rin nilang ibenta sa mga rice farmers, corn farmers at iba pa o di naman kaya’y para sa kanilang sariling paggagamitan.