NAGA CITY- Hindi umano makatao ang naranasan ng grupo ng Anakbayan-Naga City matapos na sabuyan ang mga ito ng ihi habang nagsasagwa ng kilos-protesta sa pagdiriwang ng National Women’s Day.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kryss Arañas, ng Anakbayan Naga City, sinabi nito na habang nagsasagawa ng kanilang programa na ginanap sa Plaza Oragon ng sabuyan sila ng ihi mula sa 3rd floor ng Naga City Peoples Mall.
Aniya, maliban dito, una na umano silang nakaranas ng panghaharas nang sila ay nagsasagawa ng rally sa isang nagpakilalang pulis na siyang tinutukoy na suspek sa pagtapon ng ihi.
Dagdag pa ni Arañas, kinaladkad rin ng isang pulis ang isa sa mga miyembro ng kanilang grupo kung saan kasalukuyan ngayon na nagpapagaling sa ospital.
Sa ngayon, panawagan na lamang ng grupo na gusto lamang nilang iparating ang kanilang panawagan sa lahat ng mga mamamayan.