NAGA CITY- Nasabat ng mga otoridad ang anim na kolorum van na nagtangkang illegal na makapasok sa probinsya ng Camarines Sur.
Ito’y maykaugnayan sa mas pinahigpit na pagpapatupad ng mga border control standards sa nasabing probinsiya alinsunod sa Executive Order ni Gov. Migz Villafuerte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Glenn Mancera, OIC ng Operations Division ng Land Transportation Office (LTO)- Bicol, sinabi nito na umabot na sa mahigit 30 na mga indibidwal ang nasabat ng nasabing ahensya na nagtangkang illegal na makapasok sa probinsya.
Ngunit ayon dito nakatutuk lamang umano ang mga ito sa mga sasakyan na kolorum at hindi sa mga pasahero nito.
Ang ibang ahensya na umano kasi ang responsible sa pagtiyak na kompleto ang mga ito sa papeles at iba pang mga documento.