NAGA CITY- Anim na mga kabahayan ang natupok sa bumungad na sunog sa Concepcion Pequena, Naga City kaninang umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay FCI Emmanuel Ricafort, fire marshal ng BFP-Naga, sinabi nito na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Allan Ondivilla.
Ayon kay Ricafort, magkakadikit ang mga bahay kung kaya mabilis na kumalat ang sunog.
Maliban dito, medyo maliit rin ang daan papunta sa lugar kung kaya medyo na nahirapan ang mga firetrucks na makapasok sa lugar.
Tinataya naman na nasa P50,000 ang halaga ng danyos na iniwan ng sunog habang wala naman ang nalagay sa peligro ang buhay.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.