NAGA CITY- Isinusulong ng LGU-Lagonoy ang pagkakaroon ng Animal Shelter sa kanilang bayan na magagamit tuwing masama ang panahon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Victor Francia, Municipal Agriculture Officer ng Lagonoy, Camarines Sur, sinabi nito na sa panahon ng kalamidad gaya ng bagyo, pagbaha ay hindi lamang kaligtasan ng tao ang pinaghahandaan ngunit maging ang kanilang mga alagang hayop na pinagkukunan ng hanapbuhay.
Kaugnay nito, ang mga alagang hayop ay pwedeng makapasok o i-accomodate sa nasabing shelter ay ang mga baka at iba pa.
Aniya, tanganing ang mga alagad hayop lamang ng kanilang mga residentes ang pwedeng i-accomodate ng Animal Shelter na kanilang ipapatayo.
Dagdag pa ng opisyal, importante na sa panahon ng emerhensiya nabibigyan ng focus ang mga alagang hayop na nangangailangan rin ng pag-aalaga.
Sa ngayon ay kahiling na lamang ni Francia ang suporta ng kanilang mga residentes upang kaagad na maipatupad ang kanilang proyekto.