NAGA CITY – Sugatan ang apat na pasahero ng ambulansya matapos mabangga ang isang Lorry truck sa Maharlika Highway sa Sitio Tumanan, Sigamot, Libmanan, Camarines Sur noong Nobyembre 5, 2024.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga, sinabi ni PSMS Juan Batolina PCAD Libmanan Municipal Police Station na habang na binabaybay ng isang Alyas ​​Amador ang nasabing kalsada gamit ang minamanehong ambulansya, patungo sa isang ospital sa Naga City sakay ang tatlong pasahero, nang mabangga ito ng isang lorry truck.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, binigyan ng linya ng mga sasakyan ang ambulansya ngunit halos 200 degrees ang kurbada ng kalsada kaya hindi ito napansin ng nasabing trak.

Dahil sa lakas ng impact, nahagip ng ambulansya ang isa pang trak sa harapan. Isa pang sasakyan mula Naga City papuntang Sipocot ang nadamay din sa aksidente.

Dahil sa dito, apat na sakay ng nasabing ambulansya ang nasugatan at agad na dinala sa ospital ng mga rumespondeng awtoridad.

Samantala, pinaalalahanan din ng opisyal ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho lalo na’t ang nasabing kalsada ay prone sa aksidente.