NAGA CITY- Isa na namang bayan sa Camarines Sur ang nadagdag sa mga lugar na apektado ng African Swine Fever (ASF).

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Boy Franco, kinumpirma nito na mahigit 400 na mga baboy ang ipinasailalim sa culling operation sa Barangay Burabod.

Kaugnay nito agad namang ipinasailalim sa state of calamity ang naturang lugar.

Layunin nito na mas mapabilis ng pagpapalabas ng pamahalaan ng pondo na magagamit lalo na as mga apektadong hog raisers.

Kung maaalala, maliban sa nasabing lugar, una nang nakapagtala ng kaso ng ASF sa walong bayan ng CamSur maging sa lungsod ng Naga.

Samantala, nagsimula na rin ang Department of Agriculture na mamigay ng pinansyal na tulong sa mga apektadong hog raisers kung saan umabot na sa mahigit P23-M ang kanilang naibigay kapalit ng mahigit 4,000 na mga baboy na ipinasailalim sa culling operations.