NAGA CITY- Nag-apela ngayon ng panalangin ang Archdiocese of Caceres hinggil sa patuloy na pagkalat na sakit na Coronavirus Disease o COVID-19.
Sa ipinaabot na mensahe ni Archbishop Rolando Tria Tirona, OCD., DD. ng Archdiocese of Caceres, sinabi nito na sa kabila ng seryosong kondisyon at pagsasagawa ng preventive measures laban sa COVID-19, hinihikayat nito ang lahat ng mamamayan na taimtim na manalangin upang tumigil na sa pagkalat ang naturang virus.
Nanawagan rin ito sa mga Parish Priests at Religious groups na makiisa sa novena kay Divino Rostro.
Ayon dito, kailangan ngayon ang ibayong pag sunod sa mga health recommendations at panalangin upang malabanan ang nasabing sakit.
Kung maaalala, mahigit sa 170 katao mula Bicol ang ipinasailalim ngayon sa self quarantine matapos sumama sa Pilgrimage sa Israel.Top