NAGA CITY- Inabisuhan narin ng Archdiocese of Caceres ng lungsod ng Naga ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines(CBCP) hinggil sa tuluyang pagkansela sa Peñafrancia Festival 2020.

Ito’y dahil parin sa pagbabawal sa pagkakaroon ng mga mass gathering at patuloy na pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease sa nasabing lungsod.

Sa pagharap ni Archbishop Rolando Tria Tirona sa mga kagawad ng media sinabi nito na inabisohan narin umano nito ang mga Bicol bishops upang ipaalam rin sa kanilang mga nasasakupan ang nasabing impormasyon.

Ayon dito ito ay para mapigilan narin ang posibleng pag punta ng mg deboto mula sa ibang probinsya at hayaan na lamang na ipagdiwang ang debosyon sa kani-kanilang lugar.

Sa ngayon, tulad umano ng nakaraang holy week ay sa pamamagitan muli ng social media idadaan ang pagalala sa ika 138th Year of Devotion ng Divino Rostro habang ika 310th Year of Devotion naman ni Nuestra Senora de Peñafrancia.

Samantala, kasama sa mga malalaking aktibidad na kinasela ngayong taon na madalas dinadaluhan ng mga milyon-milyong mga deboto ang Traslacion at Fluvial Procession.