NAGA CITY- Dahil sa takot sa Coronavirus Disease (COVID-19) pinakawalan ng Argentina Government ang ilang ang mga bilango sa isang kulungan sa lugar.
Sa report ni Bombo International Correspondent Niña Durand, sinabi nito na mismong ang pamahalaan sa lugar ang nagpalaya sa mga ito dahil sa covid-19 situation.
Naniniwala umano ito na karapatan ng bawat bilango ang maging malaya sa nasabing sakit, kung kaya hinayaan nalamang ang mga itong makalabas sa legal na pamamaraan.
Ngunit hanggang sa ngayon wala po umanong ipinapalabas na paliwanag ang gobyerno sa nasabing hakbang.
Ayon kay Durand, dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng gobyerno sa mga batas sa lugar laban sa covid-19 hindi umano masasabi na malala na ang setwasyon sa bansa.
Samantala, tinataya namang hanggang sa buwan ng September ipapatupad ang travel ban sa lugar.
Sa ngayon wala naman umano itong nababalitan na nagpositibong pinoy sa nasabing lugar.