NAGA CITY – Festive at labis ang naging kasiyahan ng mga mamamayan ng Argentina matapos na manalo ang kanilang koponan at itinanghal na champion sa katatapos palang na FIFA World Cup Qatar 2022.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Bombo International News Correspondent Ian Mak Limbag, mula sa bansa ng Argentina, sinabi nito na kasabay ng mga Argentinian, labis ang kaba nito ng maka-goal ang koponan ng France at maitabla ang laro.
Habang labis naman itong natuwa na maging bahagi ng malaking selebrasyon nang nasabing bansa.
Kung saan talagang sumisigaw at kumakanta ang mga tao matapos na manalo ang kanilang koponan, makikita rin ang mga magpapamilya sa labas ng kanilang bahay at nakikisaya.
Bago pa ang laro nang Argentina at France, mayroon din umanong binigay na offer ang gobyerno ng Argentina na lugar para sa public viewing ng nasabing laro upang mas maraming mga mamamayan ang makapanood nito.
Matapos naman ang laro, nagkaroon ng caravan kung saan naglalakad ang mga tao suot ang uniporme ng koponan sa mga kalsada at nagsasaya.
Pansamantala namang nagsara ang ma establishemento at itinigil din ang operasyon ng transportasyon upang bigyan daan ang panonood sa laro ng kanilang koponan
Dapat din umano na asahan na magbibigay nang insentive ang gobyerno sa mga manlalaro ngunit sa kasalukuyan wala pang pinapalabas na halaga.
Sa ngayon, hinihintay pa umano ng mga ito kung magdedeklara ng holiday ang Argentina kaugnay parin ng malaking event na ito.
Samantala, labis naman nalulungkot ang mga Argentinians sakali na aalis na sa koponan ang kanilang star player na si Lionel Messi.