NAGA CITY- Naitala ang unang kaso ng pagpositibo ng mga alagang baboy sa African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Camarines Norte.
Sa opisyal na pahayag ni Governor Edgardo Tallado, kinumpirma nito ang pagkamatay ng ilang mga baboy sa Barangay Patag-Ibaba Sta. Elena, Camarines Norte.
Kung saan agad itong isinailalim sa eksaminasyon kung saan kinumpirma ng Provincial Veterinary Officer ng naturang probinsya na nagpositibo ang mga ito sa ASF.
Napag-alaman na buwan ng Hulyo bago pa ang naturang insidente, ilan sa mga bumibili ng baboy ang nakapasok sa naturang probinsya, kung saan nabalitaan din umano ng mga residente dito ang abnormal na pagkamatay ng mga alagang baboy sa isang lugar na sakop ng Quezon Province.
Habang siniguro naman ng gobernador na mayroon ng mga nakalatag na habang ang lokal na gobyerno laban sa nasabing virus.
Samantala, nakipag-ugnayan na rin aniya ang Provincial Government sa Department of Agriculture, DILG, National meat inspection at iba pang ahensya hinggil sa insidente.