Alam ba ninyo mga ka-bombo, ang Rain Report Cafe sa Seoul, South Korea ang itinuturing na kakaiba sa mga cafe dahil mayroong bumubuhos na ulan bawat 15 minutes.

Ang cafe nag-aalok sa mga costumer nang payong, rubber boots at raincoats.

Maliban dito, ang nabanggit pa na cafe ay nag-aalok rin ng relaxing mood kasama na ang mainit na baso ng kape.

Ang ulan ay kakaibang desinyo sa cafe kung saan nakakuha ng positibong review mula sa mga social media sites.

Matatagpuan ang Rain Report Cafe sa residential area sa Itaewon.

Kulay itim ang buong cafe na mayroong dagdag na bamboo trees kung saan mararamdaman ng mga costumer na sila ay nasa labas nang Capital ng South Korea.