NAGA CITY- Nanawagan ang Philippine National Police- Police Regional Office (PRO5) sa mga gustong magpaabot ng tulong sa mga naapektohan dahil sa pag aalburoto ng bulkang Taal.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Malu Calubaquib , tagapagsalita ng PNP- Bicol sinabi nito na maaring makipag ugnayan sa Police Regional Office 5 upang maipaabot ang kanilang tulong.
Una na rito naghanda ang PNP-Bicol ng aabot sa 1000 pirasong N95 Mask para sa mga police rescuers ng Region 4a na nakaatbay dahil sa nag-aalburutong bulkan.
Ayon kay Calubaquib, umaasa sila na may mga darating pang tulong na pweding maipadala sa Region 4a tulad na lamang ng tubig at dagdag na N95 Mask para sa mga apektadong residente.
Maliban dito, kinompirma rin ni Calubaquib, ang posibleng pag augment ng nasa 193 personnel mula sa Bicol na ipapadala sa lugar kung saan binubuo ito ng Search And Rescue(SAR), Regional Standby Security Force (RSSF), at Disaster Incident Management Task Group (DIMTG) upang tumulong sa naturang lugar.Top