NAGA CITY- Niliwanag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tanging mga benepisyaryo lamang ng 4Ps na buntis at lactating women ang makakatanggap ng dagdag na cash grant na unang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Director Gemma Gabuya, DSWD National Program mana ­ger ng 4Ps, na aabutin ng P400 ang idaragdag na cash grant kada buwan sa 4Ps beneficiary na buntis at lactating women. Nasa P750 kada buwan ang cash grant sa bawat 4Ps beneficiary. Aabutin lang ng 1,000 days program ang grant para dito.

Niliwanag din ni Gabuya na ang mga buntis na hindi 4Ps ­beneficiaries ay kailangan munang mag-aplay at dapat mapatunayang siya ay poor of the poorest para masama sa programa.

Umaabot sa 1.2 ­Milyong 4Ps beneficiaries ang inaasahang mag-exit sa programa matapos patunayang self-sufficient na sila o maaari na silang mamuhay ng maayos ng walang cash grant mula sa DSWD.