NAGA CITY – Sinimulan na ng Baao Fire Station ang kanilang paghahanda para sa posibleng pagbuhos ng ulan sa mga susunod na araw kasunod ng pagkakadeklara na ng panahon ng tag-ulan sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SFO1 Erik Nikolo Gumabao, ng Baao Fire Station, sinabi nito na kung mayroong mga sama ng panahon na papasok sa bansa katulad na lamang ng bagyo ay agad na magsasagawa ng public address ang kanilang ahensya upang agad na makalikas ang mga residente sa mga high risk areas.
Ito’y dahil ang kanilang bayan ay mababang lugar kung kaya kinakailangan na palagiang i-monitor ang lebel ng tubig lalo na kung panahon ng tag-ulan.
Kaugnay nito, nagsasagawa na ang kanilang opisina kasama ang mga opisyal ng barangay at iba pang mga organisasyon ng Basic Life Support bilang paghahanda lalo na kung mayroong emergency.