NAGA CITY- Dead on the spot ang isang hindi pa nakikilalang babae matapos barilin sa isang tricycle sa Barangay Market View, Lucena City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang minamaneho ni Michael Bonaobra habang lulan ang apat na pasahero nang bigla na lamang itong parahin ng isa sa dalawang suspek.

Dito na ng suspek binaril sa ulo ang isa mga pasahero sabay mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.

Dahil sa pagkabigla, kumaripas ng takbo palayo ang iba pang mga pasahero matapos ang pamamaril sa biktima.

Samantala, sinubukan pa sanang itakbo sa pagamutan ang biktima ngunit binawian rin ito ng buhay.

Kaugnay nito, narekober naman ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong piraso ng fired cartridge cases with caliber.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa posibleng pagkakadakip ng mga suspek.