NAGA CITY- Patay ang isng babae matapos mabangga ng isang truck habang tumatawid sa pedestrian lane sa Barangay Lalig, Tiaong, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Lalina Alcedo, 49-anyos, residente ng Barangay San Antonio 2 San Pablo City, Laguna.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na tinatahak ng suspek na si Enrique Tano, 60-anyos, ang southbound lane ng Barangay Lalig, Tiaong gamit ang L300 type truck nang mabangga nito ang biktima habang tumatawig sa pedestrian lane.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa ulo at bangkay ang biktima na agad naman na dinala sa ospital ngunit ideniklara ng dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.