NAGA CITY- Patay ang isang babae matapos na masagi ng motorsiklo sa Tigaon, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Venus Durante, 58-anyos, residente ng Zone-4, Brgy. Mabalodbalod, sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang patawid ang biktima sa may national road sa Zone 3 ng Brgy. Mabalodbalod ng aksidente itong masagi nang motorsiklo na minamaneho ni Ely Enciso, 45-anyos, residente ng Zone-7, Brgy. Boclod, San Jose sa nasabing probinsiya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na dahil sa insidente, parehong nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang mga katawan sila Enciso gayundin ang biktima na agad namang dinala sa ospital para sa asistensiya medikal, ngunit ideneklara ring Dead on Arrival ng mga doktor si Durante.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang kaparusahan.