NAGA CITY- Patay ang isang 54-anyos na babae matapos pagbabarilin sa Brgy. Gangao, Baleno, Masbate.

Kinilala ang biktima na si Susan Anihay, residente ng naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Police Regional Office 5, sinasabing naktanggap ng report ang Baleno PNP mula sa barangay kapitan tungkol sa naturang insidente na agad namang nirespondehan ng mga otoridad.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, sinasabing nasa apat katao gamit ang di pa malamang uri ng baril ang posibleng may kagagawan ng pamamaril sa biktima.

Samantala, agad namang itinakbo sa ospital ang naturang biktima ngunit inanunsyo nang patay ng mga doktor.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-alam sa pagkakakilanlan ng mga suspek hinggil sa nangyaring krimen.